“Your Song” features two young love teams this month

Thursday, August 7, 2008
07:24 AM
Ang apat na young stars mula sa ABS-CBN Star Magic na sina AJ Perez, Lauren Young, Dino Imperial, at Empress Schuck ang bida sa bagong miniseries na mapapanood sa Your Song tuwing Linggo ngayong Agosto. Tampok ang awitin ni KC Concepcion na “Imposible” sa Your Song this month.
Masayang-masaya ang apat na bagets sa tiwalang ibinigay sa kanila ng ABS-CBN na maging bahagi ng Your Song.
Narito ang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanila:
PEP: May kaba ba sa tiwalang ibinigay sa inyo na magbida sa Your Song?
AJ: Parang kaba na actually, hindi naman sa pagwo-work, kasi pati direktor namin may pinagsamahan na kami since About Ur Luv, si direk Jojo Saguim. Siguro kaba on how will the people react to it. Kung tatanggapin nila ang show na ito or hindi.
DINO: Ganun din po. Kaba na parang baka hindi magustuhan ng mga tao, maraming lait.
EMPRESS: Ako rin kinakabahan kasi hindi ko alam kung ang pagsuporta namin dito katulad doon sa About Ur Luv. So sana lahat ng mga fans namin, ng mga love teams, ‘tsaka yung iba pa. Madagdagan sana yung mga makapanood at sumuporta sa amin.
LAUREN: Nakakabaka rin siya kasi you don’t know if people will like this. If they will like your acting or the story. Pero sana rin suportahan nila kami kasi napakaganda ng proyekto. ‘Tsaka kami-kami rin ito, e, kami-kaming magkakaibigan. ‘Tsaka nagkatrabaho na kami dati, so siyempre we’re all comfortable with each other. Sana siyempre magustuhan nila ito. Si AJ po ang ka-partner ko.
PEP: Meron daw kissing scene ang isa sa love teams na tampok sa Your Song?
LAUREN: Kami ni AJ, wala kaming kissing scene.
EMPRESS: Hindi naman po sa kissing scene. Hahaha! Halatang-halata na, e. Basta isang malaking kaabang-abang na eksena po ‘yon. Hindi naman po siya talaga kissing scene. Ayun nga pala, sabi ng EP namin Cinderalla kiss. Yun ang abangan nila kung ano yung Cinderella kiss. Mamaya sumikat ang Cinderalla kiss. Kasi ano, e, normal lang na nangyayari sa mga tao yun kapag nagki-kiss ka sa cheeks. ‘Tapos parang biglang hindi nagkataon, nag-kiss na pala kayo pero wala kang na-feel, parang ganun. Ganun lang kadali. Kasi sa akin, hindi talaga siya big deal. Kasi para nga sa akin, hindi yun kissing scene.
DINO: Kinabahan ako doon. E, siyempre I respect Empress din, ‘no.
PEP: Respect na may halong love?
DINO: Love na ano, kasi super friend ko siya, e. Basta yun, kasi ayokong ma-feel ni Empress na mabastos ko siya. Na parang in-invade ko yung kanyang whatever. ‘Tsaka natatakot ako baka sampalin ako ni Empress! Hahaha!
PEP: Sino ang first kiss ni Dino?
DINO: Ah, non-showbiz. I was twelve that time. Mag-on na kami that time. She’s my second girlfriend ko. Yung first kasi, medyo puppy-puppy love. Medyo torpe pa nga ako that time. Twelve ako no’n. So bale thirteen (years old) na pala yung first kiss ko.
PEP: Ano ang naramdaman ni Dino nang hinalikan niya si Empress?
DINO: Ganun din. Siguro kung ano yung naramdaman ko sa first kiss ko, naramdaman ko kay Empress.
EMPRESS: Isa kang malaking sinungaling, Dino! Wala talaga akong naramdaman!
DINO: Hindi kasi, kinakabahan ako. Yung kaba nandun.
PEP: May gusto ka ba kay Empress?
DINO: Ang seksi niya kasi, e.
EMPRESS: E, parang lahat naman ng babae type niya. Kahit na katrabaho, e.
PEP: Playboy ba si Dino?
DINO: Hindi po, playful.
PEP: Ano ang masasabi ni Empress sa magagandang reviews tungkol sa performance niya sa sunud-sunod na appearance niya sa Maalaala Mo Kaya (MMK)?
EMPRESS: Sa susunod na istorya, ako na! Hahaha! Ay, thank you po. Wala po talaga akong show, puro MMK na lang. Wish ko nga po mainstay na ako sa MMK. Hehe.
PEP: Saan siya pinaka-nahirapan na episode sa mga ginawa niya sa MMK?
EMPRESS: Nahirapan po ako doon sa last episode ko with Gretchen [Barretto]. Kasi parang may anak po ako doon. ‘Tsaka madalian po ‘yon. Parang nakausap lang po sila, dalawang eksena lang po ako doon. ‘Tsaka ayun, kasama ko pa si Gretchen Baretto. ‘Tsaka yung role ko run, bungangera, palengkera.
PEP: Sa kanilang apat sa Your Song, maituturing na si Empress ang pinaka-beterana na sa pag-arte. It’s safe to say na aktres na talaga ang level ni Empress.
EMPRESS: Hindi naman po. Hindi ko pa napi-feel yun. Kahit ako, e, hindi ko masasabi sa sarili ko, ‘Wow, ang galing ko doon, huh!’ Parang feeling ko nga lahat ng ginagawa ko, may comment na, ‘Ay, tama ba yung ginawa ko? Nagugustuhan kaya nila? Maganda kaya yun?’
‘Tsaka kasi baby pa lang ako, umaarte na po ako. Nag-start po ako ng six years old pa lang. Nagko-commercial na po ako noon. So, mga eight. ‘Tapos yung first time ko pa na lead role sa Maalaala Mo Kaya, ayun mga eight years old ako. Yung role ko dun, prostitute. Yun ang pinaka-first. Nanalo na rin po ako as Best Child Actress sa Nine Mornings.
PEP: Nagwi-wish ba siya na mabigyan na ng solo drama show sa ABS-CBN?
EMPRESS: Nagwi-wish, kasi isa rin ‘yon sa mga pangarap ko. Pero okey lang naman po.
PEP: Dahil mga bata pa, hindi pa feel nina Empress at Lauren ang mag-pose sa mga sexy magazines. Pero sina Dino at AJ type magpa-pictorial sa Cosmopolitan magazine ng naka-brief.
DINO: Oo, kapag macho na ako, which is hindi pa. ‘Pag macho na ako ‘tsaka I’m well-watched.
PEP: May ginagawa ba siya ngayon para magpaganda ng katawan?
DINO: Nagda-diet muna ako Kasi I need to get rid of all the fats. I need to lose the inches. I’m doing after-six diet. Aftere six, hindi na ako kumakain. I started a couple weeks ago and so far, malaki na ang nabago. Lumiit na yung bilbil ko. I’m really decide to lose weight kasi in this industry siyempre, ang daming kumpitensiya at saka parang you cannot gave it all din, e. You need to be complete.
AJ: Ako, konti, baby fats. Pero as in pumayat na ako sobra compared to last year. Dati 165 ako, ngayon 150 na.
PEP: Ano ang ginawa niya para pumayat?
AJ: Boxing. ‘Tapos sa bahay, may dumbells po ako ‘tapos push-ups. Sa taping nagdadala ako ng dumbells. Tapos lahat ng batchmates ko ano na, yun ang hilig nila.
PEP: May muscles na siya?
AJ: Oo, actually, may cuts na.
PEP: Bakit mo ginagawa ito?
AJ: Well, siyempre, ang ganda tingnan, e. ‘Tapos ano if ever may away, kung may maghahamon ba? Pang-intimidate. Plus syempre pang-attract din sa girls. Underwear? Ngayon hindi pa. Okey sa akin na mag-underwear ‘pag over 18 na ako. Kasi 15 pa lang ako.



lauren is pretty and pleasant girl. when she was launched together with her other batchmates in star circle, she was the most shy. I knew this because I was with my friend when they had a pictorial for SC.
she’s indeed pretty even at the young age. hope she’ll develop her acting for her longevity in the business.